6.27.2007

Sore wa nan desu ka?



wwwwwwwaaaaaaaahhhhhhh!

amber: ano yan, bat ka nasigaw?
crimson: wala nanaman sa sarili...
ako: hindi ko alam. gusto ko sumugaw eh.
amber: alam ko na, dahil yan sa mga kanta ng Saydie kaya nahahawa ka na...
crimson: siguro nga. teka kukuha lang ako ng kutsilyo at sasaksakin ko nato..
amber: ok. bilisan mo lang.
ako: wwwwwwwaaaaaaaahhhhhhhhh! (in a very creepy tone)
crimson: pwede ko na ba tuluyan to?
amber: oo sige. mag-ingat ka sa paghawak ng kutsilyo baka masugatan ka...




*ang inyo pong nasaksihan kanina lamang ay ang pagaaway ng tatlo kong katauhan. meron pang isa pero tahimik syang nagbabasa ng librong 'The Phantom Tollbooth' ni Norton Juster..

>> sa kasalukuyan, 10:48pm na at kailangan ko pang maghugas ng pinagkainan ko. Late na kasi ako nakauwi. kaya late na din sa dinner. hehehe matigas ang ulo. tulog na naman sila eh. heheeh

>May kakaibang nangyari sakin sa byahe ngayon pauwi. Nakakabadtrip kasi yung manong na katabi ko. Kita nang pandalawahan na nga yung upuan sa bus, pilit pa rin nya kong sinisiksik sa salamin ng bintana (actually yung bintana sobrang malapit nang mabasag. pakiramdam ko pag hinawakan ko sasabog na lang sya bigla) kaya mukha akong ewan sa bus na pilit umiiwas sa epal na manong at salaming maaaring ikasawi ng buhay ko. Pasalamat sya normal pa ako ng mga oras na yon.

Sa totoo lang abnormal talaga ako pag sumasakay ng bus. Pakiramdam ko dapat lahat ng senses ko ay nasa maximum performance. kung hindi ka pa nakakakita ng batang nagsasalita mag-isa sa upuan (yung tipong pabulong lang ah, shy ako e) magugulat ka pag nakita mo ako. ewan ba. nasasayahan naman ako. hehe. pero di naman masyadong madalas yon. paminsan minsan lang..yata

Adik. Nakakabadtrip pag bigla mong na-refresh yung away nyo ng isang kaibigan.