
nakakatawa kasi may bago nanaman akong expression sa buhay. yun ay ang lintik at putik. hehe ewan ba kung bakit natatawa ako sa mga salitang may -ik sa dulo. hahaha! nakakawala kasi ng pagod kapag masayahin lagi ang kausap mo at katxt. lalo na yung masungit pero aus lang naman..
galing akong eskwela ngayon. finals ng nstp. sisiw. hehe. buti na lang wala na akong klase pag linggo! sa wakas! pero dapat may baon parin.. hehe jok lang. (sabihin mong ayaw mo din. woo!)
nakakatawa talaga tong araw na to kasi habang pauwi, nakasukbit na agad mp3 ko sa tenga at handa nang umuwi at mag tanghalian per se. (12 kasi klase ko ng nstp pero umaalis ako ng bahay ng 10, almusal pa lang ang kinakain ko at ng araw na to isang pandesal lang ang kinain ko kaninang umaga dahil nasunog ko yung hotdog! lintik talaga). ayun nga, nung nasa bus na ako natataka ako kung bakit walang tunog sa kabila. sira na pala yung speaker/earphone sa kaliwa. peste. kaya konting galaw lang ng katawan ko nawawala na yung tunog. kaya mukha akong tuod sa upuan ko dahil pinipigilan kong gumalaw at mawala yung tunog. natatatwa na siguro yung katabi ko sakin kasi tinitignan nya ako. may balak pa atang sabihing 'boy, ayos ka lang? gusto mo ng tubig?" lintikan.
pagdating ko, mga 3 (maaga uwi kasi exam lang naman tapos dismissed na) kumain agad ako. tapos nandito na sa harap ng pc at nagsimulang magtype. . .hehe