due to insistent public demand, (actually si Ayie nag request neto, for his 'campaign for non-nosebleed blogging), gagawa ako ng entry na tagalog! whoopie! ...tapos na...
hehe joke lang. una, ikukwento ko nalang ang nangyari sakin nung isang araw. isang yugto ng kabanas banas at kulang sa pansin na araw...at ng kinabukasan pa...
Nung lunes mukhang maayos naman lahat. akala ko ay makakatakas na ako sa makamundong side tripping ng mga pinoy. mahilig ako sa taho. at tuwing alas otso empunto ay dumadating ang magtataho at tinatawag ang pangalan ko (sosyal na magtataho. stalker ko siguro to). handa na ang order ko. sampung pisong taho na konti ang arnibal at sago. eh badtrip ang gising ko non dahil natusok ako ng pardibleng pangkabit sa sapin ng kama ko. nasabihan ko si manong ng masasakit na salitang di ko pinangarap sabihin kailan man: "Dang konti naman neto manong! sampumpiso na ba to?! Mukha pang tokwa! Dagdagan mo to papabaranggay kita!" yung huling linya hindi ko talaga sinabi at isinanloob ko na lang dahil nakakatakot talaga sya sa totoong buhay. nagalit si manong at sa isang mabilis na kalabit ay kinuha ang taho ko sabay tapon sa kalsada at sandok ng panibagong taho. wala syang nasabi kundi isang nakaka tanggal lamang "TAHO" sa harap ko. tenks manong.
kinabukasan, matapos ang 'taho misdemeanor' ko, hindi muna dumaan si manong sa bahay. Sinundo ko pa sya sa kabilang street. peste naman. Tanghali na nang magsimula akong mag ayos ng aking mga gamit para pumasok. sumabit ang daliri ko sa paa sa dulo ng kama. masakit. sira nanaman ang araw ko. pagdating sa banyo, habang naliligo ako ay tsaka ko nalaman ang isang kahindik hindik na kaalaman: wala na akong shampoo. imaginin nyo nalang ang mga salitang lumalabas sa bunganga ko habang papalabas sa banyo. hindi masaya.